๐—›๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€, ๐—ฅ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฝ๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ, ๐—–๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€, ๐—”๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎ๐—ฟ, ๐—”๐˜๐—ฏ๐—ฝ., ๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ถ ๐— ๐—ก๐—๐—ค ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐—•, ๐—ฆ๐—ž, ๐—ฎ๐˜ ๐—™๐—ฎ๐—ฟ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€

Ginanap ang buwanang pagpupulong ng mga Punong Barangay, Sangguniang Kabataan Chairperson, at farmersโ€™ association president noong Enero 13, 2025, sa Balon Bayambang Events Center, sa pangunguna ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao, kasama sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at Municipal Councilors, MLGOO Editha C. Soriano, mga hepe ng PNP at BFP, at mga pinuno ng ibaโ€™t ibang departamento.

Tinalakay sa naturang pulong ang mahahalagang isyu na kinakaharap ng mga naturang opisyal ng barangay, kabilang ang:

1. Ang krisis ng mga magsasaka ng Brgy. Manambong Sur sanhi ng pamiminsala ng mga harabas. Kasama na rito ang pagpapasa ng Planting Report ng mga nasalanta ng peste;

2. Ang pagpapasa ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga barangay captains;

3. Ang pagpapasaayos ng mga lubak-lubak na kalsada sa iba pang barangay;

4. Mga hakbang para sa mas epektibong road clearing operations laban sa mga pasaway na vendor;

5. Ang pagbabayad ng buwis o amilyar;

6. Ang proseso ng pagkuha ng Business Permit at Mayorโ€™s Clearance.

Sa open forum, malayang nakapagtanong at nakapagbigay ng suhestiyon ang mga nagsidalo, at ang mga ito ay personal na sinagot nina Mayor Jose-Quiambao, Atty. Vidad, at mga pinuno ng ibaโ€™t ibang ahensya at departamento.

Ang pagpupulong ay matagumpay na nagbigay-daan upang mapagtuunan ng pansin ang mga pangunahing suliranin at agarang maglatag ng mga solusyon para sa mas maayos na pamamahala sa bawat barangay. (RGDS/RSO; AG)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#Niรฑaarotaka