Patuloy na pinalalakas ng Go Negosyo ang suporta nito sa maliliit na negosyante nang dalhin ng ahensya ang kanilang Mentoring, Money, Market (3M) Program, noong Pebrero 6, 2025, sa St. Vincent Ferrer Prayer Park Pavilion 1, bilang bahagi ng ‘LAB for All” na proyekto ni First Lady Louise Araneta-Marcos.
Daan-daang lokal na negosyante at aspiring entrepreneurs ang lumahok sa programa, kung saan tinutukan ang tatlong mahahalagang aspeto ng pagnenegosyoโ’Mentoring’ para sa tamang kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo, ‘Money’ para sa access sa puhunan at financial assistance, at ‘Market’ para sa tamang estratehiya sa pagbebenta at pagpapalago ng negosyo.
Bukod sa mentoring sessions, nagkaroon din ng networking opportunities, kung saan nakipag-ugnayan ang mga kalahok sa iba’t ibang eksperto at business leaders na maaaring makatulong sa kanilang entrepreneurial journey.
Ang programang ito ay isang malaking hakbang para sa mga Bayambangueรฑo na nangangarap makapagtayo o makapagpalago ng sariling negosyo, kasabay ng layunin ng lokal na pamahalaan na palakasin ang entrepreneurship at economic development sa bayan. (RGDS/RSO; JMB)