Upang suportahan ang mga lokal na negosyo sa pagsunod sa regulasyon, naghatid ng isang assistance program ang Food and Drug Administration (FDA) para sa licensing ng food manufacturers, botika, at iba pang kaugnay na establisimyento sa bayan.
Dito ay ipinaliwanag ng FDA ang tamang proseso ng pagkuha ng lisensya at sertipikasyon para sa mga produktong pagkain, gamot, at iba pang regulated items.
Layunin nitong tiyakin na ligtas, dekalidad, at sumusunod sa pamantayan ng ahensya ang mga produkto bago ito mailabas sa merkado.
Bukod dito, nag-alok din ang FDA ng technical assistance sa mga negosyo upang mapadali ang kanilang aplikasyon.
Ito ay malaking tulong lalo na sa mga micro-, small, at medium enterprise (MSME). (KB/RSO; FDA)