๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐—”๐—— ๐—”๐—ด๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด-๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฝ

Sa direktiba ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao na patuloy na pagtibayin ng LGU ang pagsusulong ng mga prinsipyo ng Gender and Development (GAD) sa bayan ng Bayambang, matagumpay na isinagawa ang โ€œTraining-Workshop on the Formulation of GAD Agendaโ€ noong Pebrero 26-27, 2025, sa Balon Bayambang Events Center.

Sa pangunguna ng MSWDO at GAD Focal Point System (GADFPS), layunin ng pagsasanay na bigyang-lakas ang mga kalahok sa pagbuo ng isang epektibong GAD Agenda na naaayon sa pangangailangan ng bayan, sa pamamagitan ng pagformulate ng 3-Year Municipal GAD Plan and Budget, alinsunod sa Magna Carta or Women o Republic Act No. 9710.

Sa unang araw, tinutukan ang pagpapalalim ng kaalaman sa GAD policies, strategic framework, at guidelines sa formulation ng GAD Agenda.

Sa ikalawang araw naman, nakatuon ang workshop sa aktuwal na pagbubuo ng GAD Vision, Mission, at Strategic Goals, pati na rin ang pagpaplano ng operationalization at monitoring strategies. Ang dalawang araw na programa ay dinaluhan ng mga opisyal at kawani mula sa ibaโ€™t ibang tanggapan ng pamahalaang lokal. Pinangunahan ito ng mga tagapagsalita tulad nina Mayor Niรฑa Jose-Quiambao, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at PSU Open University Systems GAD Coordinator Presley V. de Vera.

Sa pagtatapos ng pagsasanay, ipinahayag ni Councilor Benjie S. de Vera, SB Chairperson of the Committee on Women, Children, Family Affairs, and Social Welfare, ang kanyang pasasalamat sa lahat ng lumahok at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsasakatuparan ng GAD Agenda sa kani-kanilang opisina. Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, patuloy na pinapalakas ng Bayambang ang adbokasiya para sa gender equality at women empowerment, na tiyak na magreresulta sa isang mas inklusibo at progresibong serbisyo sa komunidad. (RGDS/RSO; JMB)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiรฑaAroTaka