𝐖𝐒𝐧𝐧𝐒𝐧𝐠 𝐒𝐦𝐒π₯𝐞𝐬 𝐧𝐠 𝐂𝐃𝐂 π‹πžπšπ«π§πžπ«π¬, π“πšπ¦π©π¨π€ 𝐬𝐚 𝐎𝐫𝐚π₯π₯𝐲-𝐅𝐒𝐭 𝐂𝐑𝐒π₯𝐝 πŸπŸŽπŸπŸ“ π€π°πšπ«ππ’π§π  π‚πžπ«πžπ¦π¨π§π²

Isang awarding ceremony para sa Orally-Fit Child 2025 ang idinaos bilang culminating activity ng Oral Health Month sa Balon Bayambang Events Center noong Pebrero 28, 2025.

Ang programang ito ay isinagawa ng Rural Health Unit at Philippine Dental Association – Pangasinan Chapter, upang itaguyod ang tamang pangangalaga sa ngipin, at itampok ang mga natatanging kabataang may malulusog na ngipin sa bayan ng Bayambang.

Sa kabuuan ay may naitalang 270 na orally fit children mula sa mga CDC sa nauna nang ginawang pagbisita ng mga dentista ng bayan na sina Dr. Dave Francis Junio, Dr. Alma Arenas Bandong, at Dr. Zaida Alcantara.

Sa okasyong ito, nagbigay din special awards sa Buayaen CDC at M.H. Del Pilar CDC bilang Most Outstanding Child Development Center on Oral Health at sa Municipal CDC bilang Most Outstanding Child Development Center with Highest Percentage of Orally-Fit Children.

Sa kanyang pambungad na pananalita, binigyang-diin ni Dr. Alma Arenas-Bandong, Public Health Dentist I, ang kahalagahan ng oral at dental health.

Kasama rin sa mga nagbigay ng mensahe sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, at Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo, bilang pagbigay ng suporta sa naturang proyekto.

Hindi rin nagpahuli si Dr. Mark Jason Mina, Oral Health Program Manager ng DOH-CHD I, kung saan siya ay nagbigay mga update tungkol sa mga hakbang na isasagawa ng kanyang ahensya ukol sa oral health.

Nagbigay din ng mensahe si Dr. Angelyka Mharc B. Olaer, Executive Vice-President ng PDA-Pangasinan Chapter, bilang suporta at pagkilala sa mga batang naging ehemplo ng maayos na kalusugan, at sa mga tagapagsulong ng programang ito.

Iprinisenta naman ni Municipal Dentist, Dr. Dave Francis D. Junio, ang mga naging accomplishment ng Municipal Health Office sa pagdiriwang ng Oral Health Month 2025.

Bilang pangwakas, nagpaala-ala si Dr. Junio na ang oral health ay isang mahalagang bahagi ng pangkalahatang kalusugan, at lahat tayo ay may papel na ginagampanan upang mapanatili ito.

Ang programa ng Orally-Fit Child 2025 ay isang patunay na, sa tulong ng tamang edukasyon, tamang impormasyon, at aktibong pakikilahok, natutulungan ang mga kabataan na magtaglay ng isang malusog at masiglang ngiti na magsisilbing indikasyon ng maayos na kalusugan at simbolo ng maliwanag na kinabukasan. (Dianna Mae Aguilar, Jasmine Mikaela Ferrer/RSO; AG)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiΓ±aAroTaka