Pinulong ng LGU ang mga owners and operators ng water filling/refilling station upang kanilang malaman ang tamang proseso sa pamamalakad ng kani-kanilang negosyo.
Sa pulong na ginanap noong ika-16 ng Enero 2025 sa Events Center, natalakay ang ibaโt-ibang mga dokumento na dapat ay mayroon sila gaya ng Sanitary Permit, Business Permit, Building Permit, Mayorโs Permit, at Operational Permit, at iba pang dokumento.
Ang mga ito ay magsisilbing patunay na sila ay lehitimo na makapag-operate ng kanilang negosyo at ang tubig na kanilang ipo-provide sa mga consumer ay walang maidudulot na masamang epekto sa kalusugan.
Naroon si Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, sa pagpupulong kasama sina Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo, Sanitary Inspector Jonathan Florentino, Sanitary Officer Nerissa Zafra, Business Process Licensing Officer Mary Grace Agas, at mga representative mula sa BIR, DTI at SSS.
Nagkaroon din ng open forum kung saan nagkaroon ng pagkakataong magtanong ang mga dumalo. (KALB/RSO; RGDS)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#Niรฑaarotaka