π’πžπ§π’π¨π« π‚π’π­π’π³πžπ§π¬, 𝐌𝐚𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐠𝐝𝐒𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 π•πšπ₯πžπ§π­π’π§πžβ€™π¬ πƒπšπ²!

Salamat sa buong suporta ni Mayor NiΓ±a Jose-Quiambao, isang espesyal na maagang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ang idinaos ng Federation of Senior Citizen Associations of Bayambang (FSCAB) para sa mga senior citizens ng Bayambang noong February 11, 2025, sa Balon Bayambang Events Center.

Sa ngalan ni Mayor NiΓ±a, naghatid ng mensahe ng pasasalamat sa mga senior citizen ang Focal Person on Senior Citizens ng Bayambang Poverty Reduction Action Team na si John Paul C. Domingo, dahil aniya sa kanilang kontribusyon sa komunidad, gaya ng pagpapangaral sa mga kabataan.

Pinangunahan siyempre ang selebrasyon ng Presidente ng FSCAB na si Gng. Iluminada Mabanglo. 

Nakiisa sa pagdiriwang ang 77 na presidente ng mga senior citizen associations sa Bayambang.

Lalong napuno ng kasiyahan ang selebrasyon sa hatid na palaro at papremyo ni Bayambang Integrated Business Association (BIBA) President Younne Bautista at masasarap na pagkain na mula sa lokal na pamahalaan.

Ang aktibidad ay nagbigay ng pagkakataon sa mga senior citizen na makapag-bonding at, higit sa lahat,

madama ang pagmamahalan sa Araw ng mga Puso. (Yumi Cruz, VMF/RSO; larawan: Eduardo P Sison II)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiΓ±aAroTaka