Sa direktiba ni Mayor NiΓ±a Jose-Quiambao, sumailalim ang mga department at unit heads ng LGU-Bayambang sa isang orientation activity ng Civil Service Commission (CSC) tungkol sa Performance Management and Learning and Development.
Ang aktibidad ay ginanap sa Mayorβs Conference Room (MCR) noong Pebrero 12, 2025.
Tinalakay ni CSC Director II Flordeliza C. Bugtong ang mga requirements, stages sa PRIME HRM Maturity Level 2, at epektibong estratehiya sa performance management at learning and development framework upang mas lalong mapabuti ang mga serbisyo ng LGU-Bayambang.
Bukod dito, nagkaroon din ng isang forum, kung saan sinagot ni Director Bugtong ang mga katanungan ng mga department at unit head.
Ang nasabing orientation activity ay inorganisa nina Planning Officer IV, OIC-Municipal Planning and Development Coordinator, at Performance Management Team (PMT) Vice-Chairperson Ma-lene S. Torio, at Human Resource Management Office (HRMO) MGDH I Nora R. Zafra.
Ayon sa MPDC, ang oryentasyon ay nagbigay ng mga insight at patnubay pagdating sa alignment ng mga layunin ng mga departamento sa mga naitakdang performance standards at pagsulong ng isang βculture of continuous learning and developmentβ sa LGU. (RGDS/RSO; JMB)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiΓ±aAroTaka