Ang pitumpuβt-pitong barangay ng Bayambang ay tumanggap ng tig-iisang generator set mula sa lokal na pamahalaan noong January 13, 2025, sa Balon Bayambang Events Center, sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa ilalim ng pamumuno ni MDRRM Chairwoman Mayor NiΓ±a Jose-Quiambao.
Ayon kay LDRRMO Gene N. Uy, ang pamamahagi ng mga generator ay bahagi ng patuloy na paghahanda ng munisipalidad sa mga posibleng kalamidad, partikular na ang pagtugon sa pangangailangan sa kuryente sa panahon ng mga sakuna at emerhensiya.
βNais naming matiyak na handa ang ating mga mamamayan sa anumang sakuna,β aniya.
βAng mga generator na ito ay magbibigay ng kuryente sa mga kritikal na pasilidad at sa mga pamilyang lubhang nangangailangan sa panahon ng brownout o sakuna.β
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga opisyal ng barangay sa Munisipyo para sa natanggap, na anila ay malaking tulong lalo na sa panahon ng mga kalamidad. (VMF/RSO; larawan ni: AG)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiΓ±aarotaka