๐‹๐จ๐œ๐š๐ฅ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ, ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฎ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐š ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐šโ€™๐ฒ ๐๐š๐ฅ๐ž๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐†๐ซ๐š๐ง๐ ๐๐š๐ซ๐š๐๐ž

Pinulong ng MTICAO ang mga pinuno at representante ng ibaโ€™t-ibang pampubliko at pribadong paaralan sa Bayambang noong, February 26, 2025, sa Conference Room ng RHU I, bilang paghahanda para sa grand parade sa pagbubukas ng Pistaโ€™y Baley 2025 sa ika-31 ng Marso 2025.

Nagbigay ang bawat isa ng kanilang opinyon patungkol sa pagpapaganda ng Pistaโ€™y Baley 2025 sa tulong ng mga paaralan.

Inilapag din nila ang mga posibleng kakailanganin sa kanilang partisipasyon sa darating na grand parade.

Kasama ng MTICAO staff, sa ngalan ni Dr. Rafael L. Saygo, si Municipal Consultant on Culture and Arts, Prof. Januario Cuchapin, sa pangunguna sa talakayan.

Sa kasalukuyan, sampung paaralan ang nagkumpirma na makikilahok sa aktibidad na ito.

Nais ng lokal na pamahalaan, sa pamumuno ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao, na magkaroon ng isang makulay na kapistahan ngayong taon, kung kayaโ€™t todo-todo ang kanilang suporta at pagsisikap na pagplanuhan ang mga hakbang na kanilang gagawin upang mapasayang muli ang mga taga-Bayambang at tumatak sa kanilang mga puso at isipan ang isang masay at nagniningning na kapistahan ng bayan. (VMF/RSO; larawan: Diana Mae Aguilar)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiรฑaAroTaka