Noong Pebrero 21, 2025, matagumpay na isinagawa ang โProject HOPE: Healthy Oral Practices for the Empowerment of Students with Disabilitiesโ sa Municipal Health Office Conference Room bilang parte ng Oral Health Month Celebration 2025.
Ito ay isang seminar at serbisyong pangkalusugan sa ngipin na nakatuon para sa mga mag-aaral mula sa Inclusive Education Program ng Bayambang National High School.
Sa kanyang pambungad na mensahe, ipinaabot ni Dr. Paz Vallo, Municipal Health Officer, ang mainit na pagtanggap sa mga mag-aaral.
Bilang pangunahing tagapagsalita, ibinahagi ni Dr. Beah Bautista, President ng Philippine Dental Association-Pangasinan Chapter, ang kahalagahan ng wastong pangangalaga sa ngipin.
Samantala, binigyang-diin ni Dr. Dave Francis Junio, Municipal Dentist, na ang layunin ng proyekto ay hindi lamang ang pagbibigay ng serbisyong dental, kundi na rin ang pagpapalaganap ng inklusibong pangangalaga sa oral health upang matiyak na ang lahat, anuman ang kanilang kakayahan, ay may pantay na access sa tamang edukasyon at serbisyo sa kalusugan ng ngipin.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat si G. Rafael P. Carungay, SpEd Coordinator ng Bayambang Inclusive Education Program, kay Mayor Niรฑa Jose-Quiambao at sa Municipal Health Office para sa pagsasakatuparan ng makabuluhang inisyatibang ito.
Matapos ang lecture, namahagi ng oral hygiene kits, tumbler, at bitamina sa lahat ng lumahok.
Isinagawa rin ang oral health check-up sa mga mag-aaral, sa tulong ni RHU II Dentist Alma A. Bandong, at sila rin ay nakatakdang i-schedule para sa kanilang dental treatment services.
Ang Project HOPE ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng LGU-Bayambang sa pagsusulong ng malusog at inklusibong komunidad para sa lahat. (DFJ/RSO; RHU)