Isang kick-off ceremony ang idinaos ng Bayambang para sa pagdiriwang ng 21st National Oral Health Month 2025 ngayong araw, Pebrero 5, sa Balon Bayambang Events Center, sa pangunguna ng Rural Health Unit (RHU) I, at pakikipagtulungan sa Philippine Dental Association (PDA) โ Pangasinan Chapter.
Nag-umpisa ang selebrasyon sa pamamagitan ng isang makulay na parada na pinangunahan ng Olea Marching Stallions Drum & Lyre Corps at float presentation ng walong Child Development Center (CDC) clusters mula sa lahat ng distrito.
Kasunod nito ay ang welcome remarks ni Dr. Dave Francis D. Junio, Public Health Dentist II, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng oral health sa pangkalahatang kalusugan.
Sinundan ito ng isang inspirasyonal na mensahe mula kay Mayor Niรฑa Jose-Quiambao, na nagpaabot ng suporta ng lokal na pamahalaan sa mga inisyatibong pangkalusugan ng komunidad.
Nagbigay din ng mahahalagang pahayag sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan; Municipal Health Officer, Dr. Paz F. Vallo; DOH-CHD I Oral Health Program Manager, Dr. Mark Jason Mina; at PHO Oral Health Program Manager, Dr. Eloy Bueno, na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa pangangalaga ng ngipin at bibig. Nagibay din ng mensahe sa pamamagitan ng isang video message si Dr. Jennie Marie Yalung, ang Chairman ng 21st National Dental Health Month.
Samantala, nanguna si PDA Pangasinan Chapter President, Dr. Beah Perez-Bautista, sa pormal na pagbubukas ng selebrasyon, na nagbigay-hudyat sa pagsisimula ng ibaโt ibang aktibidad para sa pagdiriwang 21st National Oral Health Month 2025.
Bilang bahagi ng pormal na pagbubukas ng naturang okasyon, isinagawa ang unveiling ng Bayambang National Oral Health Month (NOHM) Poster at PDA Posters.
Nagbigay kasiyahan din ang isang special dance number mula sa PDA-PC at Bayambang dentists, BFP, at PNP interns, na sinundan ng isang masiglang Zumba session na ikinatuwa ng lahat ng dumalo.
Bukod dito, itinanghal na Champion at Best Float ang CDC cluster 2, habang first runner-up naman ang CDC cluster 4 at second runner-up ang CDC cluster 3.
Samantala, kinoronahan bilang Zumba King & Queen sina Mr. Ivan Scandallio at Ms. Arlene Reyes.
Lahat ng nagwagi ay tumanggap ng sertipiko at cash prize mula sa PDA-PC.
Bilang pagtatapos, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Dr. Alma Arenas-Bandong, Public Health Dentist I, sa lahat ng nakiisa.
Binigyang-diin niya ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaan sa pagsulong ng malusog na ngipin at bibig para sa bawat Bayambangueรฑo. (RGDS/RSO; JMB/Clarence Apolonio/Aaron Mangsat)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiรฑaAroTaka