Ang first quarter meeting ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) ay inorganisa ng Municipal Local Government Operations Office noong February 21, 2025 sa Sangguniang Bayan Session Hall.
Nagpresenta ng kani-kanilang mga accomplishment mula January 2025 hanggang sa kasalukuyan ang MPOC at MADAC members, sa pangunguna ng PNP-Bayambang, Bureau of Fire Protection, Bayambang Public Safety Office, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, at Engineering Office, at pati na rin mga issues and concerns, at ways forward patungkol sa anti-criminality, anti-insurgency, at anti-illegal drugs.
Ipinaliwanag ng OIC-Chief ng Bayambang Municipal Police Station na isang isolated case ang naiulat na kaso ng pagpatay sa isang dalagita kamakailan, at sa katotohanan ay bumaba ang crime rate sa Bayambang ng malaking porsiyento sa taong ito. Muli niya ring pinabulaanan ang sinasabi ng mga nagpapakalat ng mga video ukol sa isang kaso ng kidnapping diumano gamit ang isang puting van.
Nagpresenta rin ang naturang mga miyembro ng dalawang Council ng kani-kanilang PPAs (programs, projects, and activities) para sa taong 2025.
Tinalakay naman ni Municipal Local Government Operations Officer Editha Soriano ang ukol sa Peace and Order Council (POC) Audit, Anti-Illegal Drug Abuse Council (ADAC) Audit, Lupon Tagapamayapa Incentive Award (LTIA), schedule ng MPOC-MADAC quarterly meetings para sa CY 2025, at mga inobasyong naisagawa ng LGU na kaugnay sa larangan ng peace and order at public safety.
Sa pagpupulong ay nagsilbing kinatawan ni Mayor NiΓ±a Jose-Quiambao si Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office head, Dr. Rafael L. Saygo.
Ayon kay Mayor NiΓ±a, βTayo ay labis na nabahala sa mga insidenteng yumanig sa ating bayanβmga umanoβy kaso ng pagdukot at kidnapping, pati na rin ang malungkot na pagkamatay ng isang 15-taong gulang na dalagita sa ANCOP Ville. Ang mga pangyayaring ito ay nagsisilbing paalala na hindi tayo dapat maging kampante, sapagkat ang kaligtasan at seguridad ng ating mga kababayan ang ating pangunahing layunin.β
Gayunpaman, pagpapatuloy niya, βang mga hamon na ating kinakaharap ay nangangailangan ng mas ibayong responsibilidad mula sa ating lahat. Hindi tayo pwedeng maging kampante. Dapat tayong maging mas mapagmatyag at mas naroroon, sapagkat ang kaligtasan ng ating bayan ay nakasalalay sa ating sama-samang pagkilos.β
Nanawagan din si Mayor NiΓ±a sa mga NGO, lalo na sa 4Ps Municipal Links at sa mga Parent Leaders, na bigyan-pansin ang kahalagahan ng kanilang papel sa pagpapatibay at pagpapalakas ng kanilang mga pamilya, upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga anak. (RSO; AG)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiΓ±aAroTaka