Ang pinakahuling awarding of birth certificates in security paper (SECPA) na isinagawa ng Local Civil Registry Office (LCRO) ay may kabuuang 62 na benepisyaryo.
Noong Huwebes, February 27, 2025, nagtungo ang LCRO sa Brgy. Zone VI Covered Court, para mag-award ng birth certificates in SECPA sa 32 na benepisyaryo sa ilalim ng Birth Registration Assistance Project (BRAP) ng Philippine Statistic Authority o PSA.
Sila ay mula sa mga barangay ng Zone III, Zone VI, Zone VII, Poblacion Sur, Cadre Site, at M.H. Del Pilar.
Nagbigay ng welcome remarks si Zone VI Brgy. Kgwd. Rowena Tillay, at mayroong espesyal na mensahe naman mula kay Municipal Civil Registrar Ismael D. Malicdem Jr.
Kinabukasan naman, February 28, 2025, ang LCR ay nagtungo sa Brgy. Wawa para mag-award ng
birth certificates in SECPA sa 30 na benepisyaryo mula sa mga barangay ng Tampog, Wawa, Managos, San Vicente, Pugo at Ambayat 2nd.
Dumating si Punong Brgy. Hon. Mirasol C. Catubay at OIC Maria Monina Buquerin upang magpahiwatig ng suporta sa aktibidad.
Kasabay nito ay isang information drive ukol sa tamang pagrerehistro sa LCR at mga update mula sa memorandum circulars ng PSA. (LCR/RSO; LCR)