Pormal na inaprubahan ng Sangguniang Bayan ang PhP527, 148, 240.25 na panukalang Executive Budget ng bayan ng Bayambang sa taong 2024, sa ginanap na Special Session noong Oktubre 18, 2023.
Ayon sa SB, ang pagpasa ng budget ay napaka-importante dahil kung wala ang appropriation o budget ordinance ay mapaparalisa ang mga programa at proyekto na makakatulong sa pag-unlad ng Bayambang.
Ang kabuuang halaga ng pondo ay inilaan para sa seguridad ng taumbayan, edukasyon, kalusugan, agrikultura, imprastraktura, proteksyon sa kalikasan, kabuhayan, trabaho, pangangasiwa ng pagbabawas ng panganib kapag may kalamidad, at iba pa.
Kasabay nito ay ang pagpasa rin ng panukalang Annual Budget para sa Special Economic Enterprise at Annual Investment Program (AIP):
Special Economic Enterprise Annual Budget: ₱47,901,377.79
Annual Investment Program (AIP) Budget: ₱5,005,288,121.35