Nagsagawa ng isang Pre-Marriage Orientation and Counseling noong ika-30 ng Enero 2025, para sa 57 na magkasintahan na mag-iisang-dibdib sa Kasalang Bayan 2025 sa darating na Pebrero 13, sa pagtutulungan ng MSWDO katuwang ang LCR at iba pang miyembro ng Pre-Marriage Orientation and Counseling (PMOC) team ng LGU.
Naging speaker sa naturang aktibidad sina Local Civil Registrar Ismael Malicdem, Jr., MSWD Officer Kimberly P. Basco, at Population Program Worker II Alta Grace Evangelista.
Ang orientation and counseling na ito ay isang requirement sa pagkuha ng marriage license.
Binibigyang-diin dito ang importansiya ng buhay may-asawa at kung papaano bumuo ng matibay na pundasyon ng pamilya dahil ang pagpapakasal ay isang sagradong bagay para sa dalawang taong nagmamahalan. (Aaron Mangsat/Khim Ballesteros/RSO; JMB)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka