Pinangunahan ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao ang kick-off activity para sa pagdiriwang ng 29th National Autism Consciousness Week noong Enero 24, 2025, sa Balon Bayambang Events Center (BBEC).
Ito ay binuksan ng isang maikling parada mula sa Magsaysay Barangay Hall, at pagkatapos ay isang seminar na naglalayong palawakin ang kamalayan at pag-unawa sa autism, ang โThis is Me! A Walk for Autism Acceptance.โ
Kasabay nito ay ang pagsasagawa ng ibaโt ibang aktibidad na sumusuporta sa mga batang may autism.
Kabilang sa lumahok sa parada at programa sina Vice-Mayor Ian Camille C. Sabangan, Dr. Rafael L. Saygo, Persons with Disability Affairs Officer Johnson R. Abalos, mga guro at estudyante ng Bayambang National High School, kabilang si Mr. Rafael Carungay na ng founder at adviser ng Autism Society of Bayambang, Child Development Workers, mga magulang at kanilang mga anak, at Bb. Bayambang Foundation sa pangunguna ni Bb. Bayambang 2024 Reign Joy Lim.
Kaugnay ng pagdiriwang, namahagi si Mayor Niรฑa ng libreng cotton candy, ice cream, at popcorn, at nagsponsor din ng face painting activity na labis na ikinatuwa ng mga bata.
Bukod dito, isang inflatable playground mula kay Vice Mayor Ian Camille C. Sabangan ang nagbigay ng dagdag na kasiyahan, na naging sentro ng sigla sa naturang kaganapan.
Nagkaroon din ng election of officers ang Autism Society of Bayambang, at si VM IC Sabangan ang inihalal na President.
Ang mga aktibidad na ito ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng Autism Society of Bayambang at PWD Affairs Office ng LGU-Bayambang, na patuloy na nagsusulong ng inklusibong komunidad para sa lahat.
Sa ilalim ng temang “Pag-angat ng mga Lider para sa Pagsulong ng Lipunang Walang Naiiwan,” layunin ng selebrasyon na itaguyod ang mas malawak na pagtanggap at pang-unawa sa mga indibidwal na may autism, at bigyang-diin na sila ay mahalagang bahagi ng ating lipunan.
Patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga PWD, na nagsisilbing inspirasyon sa pagbuo ng isang mas inklusibo at mapagmalasakit na bayan ng Bayambang. (Clarence Apolonio/RGDS/RSO; AG)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiรฑaAroTaka