𝟏,𝟓𝟎𝟎 𝐧𝐚 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐨𝐥𝐨 𝐏𝐚𝐫𝐞𝐧𝐭𝐬, 𝐃𝐮𝐦𝐚𝐥𝐨 𝐬𝐚 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲

Isang orientation activity para sa 1,500 na solo parents ang isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) noong February 21, 2025, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Ang mga solo parents ay winelcome ni Mayor Niña Jose-Quiambao, mga Sangguniang Bayan members at special guests sa pangunguna ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad.

Pinangunahan ni MSWD Officer Kimberly Basco ang pagpapaliwanag ng batas ukol sa solo parents, mga benepisyo ng naturang batas, at mga kinakailangang dokumento para sa pagpaparehistro sa kanilang tanggapan bilang solo parents. 

Pagkatapos nito, ang MSWDO ay namahagi rin ng mga ID sa mga solo parents na umattend at nakapasa sa massive validation na isinagawa ng tanggapan noong nakaraang taon.

Nagpamahagi naman ng surpresang spaghetti pack si Mayor Niña sa lahat ng dumalo sa aktibidad. (RSO; JMB)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka