Sa direktiba ni Mayor NiΓ±a Jose-Quiambao, isinagawa ang 1st Quarter Municipal Advisory Committee (MAC) Meeting noong Enero 22, 2025, sa Mayor’s Conference Room (MCR), sa pag-oorganisa ng Department of Social Welfare and Development-Regional Field Office I (DSWD-RFO I) Municipal Links at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Tampok sa pagpupulong ang talakayan hinggil sa pagpapatupad ng Municipal Ordinance on Addressing Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM), at ang 3rd quarter accomplishment report ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) at Local Council for the Protection of Children (LCPC).
Bukod dito, isinagawa rin ang pagsusuri sa Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) Sociocultural Development and Social Protection Sectoral Plan Monitoring Report upang higit pang mapalakas ang mga programa para sa pagpapatuloy ng nasimulang Rebolusyon Laban sa Kahirapan.
Nirepaso rin sa pagpupulong ang mga nakatakdang aktibidad para sa buong taon na naglalayong suportahan at palakasin ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa ngalan ni Mayor NiΓ±a, ang pagpupulong ay pinangunahan ni Councilor Benjamin S. De Vera, SBM Chairperson ng Committee on Women, Children, Family Affairs, and Social Welfare, at dinaluhan ng mga department heads ng LGU, kinatawan mula sa iba’t ibang national agencies, at CSOs mula sa religious sector.
Ang pagpupulong na ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas epektibong mga programa at serbisyong tutugon sa pangangailangan ng bawat BayambangueΓ±o, lalo na ng mga mahihirap na pamilya at miyembro ng 4Ps β patunay ng dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng kabuhayan at kalidad ng buhay sa bayan. (RGDS/RSO; AG)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiΓ±aAroTaka