𝗧𝗢𝗗𝗔 𝗠𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿𝘀, 𝗕𝗶𝗻𝗶𝘆𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 1,500 ‘𝗖𝗵𝗮𝗿𝗶𝘁𝗶𝗺𝗯𝗮’ 𝗻𝗴 𝗣𝗖𝗦𝗢

Bilang parte ng proyektong ‘LAB for All’ ni First Lady Louise Araneta Marcos, naroon din ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para magpamahagi ng 1,500 ‘Charitimba’ food buckets sa mga rehistradong miyembro ng Bayambang Federation of Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), noong Pebrero 6, 2025, sa Pavilion I ng Saint Vincent Ferrer Prayer Park. 

Ang pamamahagi ay nagbigay-saya sa mga naturang benepisyaryo, dahil ang isang timba ay naglalaman ng iba’t ibang food items gaya ng limang kilong bigas, mga delata, kape, at instant meals. (VMF/RSO; JMB/OFL)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka