Nakatanggap ng isang village-type rice mill o kiskisan ang RiceBIS Bayambang Agriculture Cooperative upang makatulong sa pagpapataas ng kanilang brown rice at pigmented rice production.
Natupad ito dahil sa partnership ng DA-PhilRice (RiceBIS Community Program) at Department of Trade and Industry (DTI).
Ang rice mill ay nagkakahalaga ng P888,000 mula sa Service Facility Program ng DTI.
Ang awarding ay ginanap ngayong araw, January 10, 2025, sa Brgy. Tampog at pinangunahan nina DTI Provincial Director Natalia B. Dalaten, CTIDS-SMEDD Vida Carna Bacani, DA-RiceBIS Program Division Head Joel Pascual, at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad. (ADV/ME/RSO; MAO)