RHU I, Muling Nagbukas para sa Libreng Pagpapaanak

Magandang balita para sa mga buntis na kababaihan sa Bayambang!

Muli nang tumatanggap ang Rural Health Unit I (RHU I) ng mga manganganak na ina matapos ang anim na buwang pansamantalang pagsasara upang bigyang-daan ang pagsasaayos at pagpapaganda ng pasilidad nito.

Simula Hunyo 1, 2026, maaari nang magtungo sa RHU I ang mga buntis na ina para sa kanilang panganganak, basta’t sila ay maituturing na low-risk pregnancy o walang nakikitang kumplikasyon at may kumpletong prenatal check-up.

Ayon sa pamunuan ng RHU I, layunin ng muling pagbubukas ng pasilidad na maipagpatuloy ang ligtas, maayos, at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga ina at kanilang mga sanggol.

Pinatitiyak din ng RHU I na mananatiling libre ang serbisyo sa pagpapaanak, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat Bayambangueรฑo mula sa pagsilang pa lamang.

Hinihikayat ang mga buntis na ina na makipag-ugnayan sa kanilang barangay health workers o direktang bumisita sa RHU I para sa karagdagang impormasyon hinggil sa mga kinakailangang dokumento at pagsusuri bago manganak. (RSO; RHU)