๐—ฃ๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐—ธ๐—ผ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ 4๐—ค ๐—ฉ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป & ๐—”๐˜€๐˜€๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜, ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ

Sa ilalim ng direktiba ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao, nagsagawa ng pulong ang Municipal Local Government Operations Office upang talakayin ang mga nararapat gawin para sa 4th quarterly validation at assessment ng tatlong proyekto ng Department of the Interior and Local Government sa ilalim ng “Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program” ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang mga naturang proyekto ay ang Barangay Road Clearing Operations (BARCO), Halinaโ€™t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG), at Search for Cleanest Barangays.

Ang pulong ay isinagawa noong Enero 9, 2025, sa Rural Health Unit (RHU) 1 Conference Room sa pangunguna ni MLGOO Editha Soriano, at dinaluhan ng mga miyembro ng Municipal Validation and Assessment Task Team, kabilang ang iba’t ibang departamento ng LGU, BFP, PNP, at CSO representatives.

Pinag-aralan sa pulong ang progreso at tagumpay ng mga barangay sa pagpapatupad ng mga nakapaloob sa programang ito, bilang bahagi ng layunin ng pamahalaan na mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at food sustainability sa buong bayan ng Bayambang. (RGDS/RSO; JMB)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#Niรฑaarotaka