Isa rin ang Pag-IBIG Fund sa mga national government agencies na nakiisa sa ginanap na ‘LAB for All’ program ni Unang Gng. Louise Araneta-Marcos, noong February 6, 2025, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Pinangunahan ito ng Pag-IBIG Fund ng Dagupan, kasama rin ang mga sangay ng Pag-IBIG Fund sa buong Ilocos Region, ang Baguio, Urdaneta, at La Union.
Dumalo ang area head ng Ilocos na si Meriam Pamittan, maging ang branch head ng Dagupan na si Corina Joyce Calaguin.
Kabilang sa mga serbisyong kanilang hatid ang pagsagot sa mga inquiries, registration, Loyalty Card Plus application, verification ng contribution, housing loan, at Provident claims application. (SJGG/RSO; JMB, SJGG)