𝗣𝗖𝗦𝗢 𝗮𝘁 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗱 88, 𝗡𝗮𝗴𝗵𝗮𝗻𝗱𝗼𝗴 𝗻𝗴 𝗠𝗼𝗯𝗶𝗹𝗲 𝗖𝗹𝗶𝗻𝗶𝗰 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝗴

Sa ilalim ng ‘LAB for All’ na proyekto ni First Lady Louise Araneta-Marcos, isang Mobile Clinic ang ipinagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Grand 88 Gaming Corp. sa Lokal na Pamahalaan ng Bayambang, upang suportahan ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan ng LGU, na ngayon ay nasa ika-walong taon na ng implementasyon.

Ang mobile clinic ay inaasahang magpapalawak sa abot ng serbisyong medikal sa mga residente ng Bayambang, lalo na sa mga nasa malalayong barangay.

Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng LGU Bayambang at mga katuwang na organisasyon sa pagbibigay ng serbisyong dekalidad para sa mga mamamayan. (RGDS/RSO; JMB)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka