Ilang Bayambangueรฑo ang nabigyan ng libreng konsultasyon at legal services hatid ng Public Attorneyโs Office (PAO) sa publiko bilang bahagi ng ‘LAB for All’ project ni Unang Ginang Louise Araneta-Marcos.
Nakiisa ang PAO sa pagbibigay ng libreng serbisyo sa ating mga kababayan, at pinangunahan ito ni PAO Chief, Atty. Persida Rueda-Acosta, kasama sina Regional Director Premier Dee Ewigkeit Castro at Deputy Chief Public Attorney Erwin Erfe.
Kasama sa aktibidad ang mga abogado mula sa PAO na sina Atty. Frederick F. de Vera, Atty. Sherwin D. Flores, Atty. Jett Mark O. Ortiz, Atty. Crescencio dela Cruz, Atty. Dan Paul Biala, Atty. Rose Ann Cabrera, at Atty. Silvania Vinoya.
Ilan sa mga serbisyong inialok ay ang legal advice, assistance sa paggawa ng affidavit, notary services, at paglilinaw sa mga kasong sibil, kriminal, at legal documentation. (KB/RSO; Rob Cayabyab/OFL)