Isang pulong ang ipinatawag ni Councilor Amory Junio sa lahat ng miyembro ng Traffic Management Council upang pag-usapan ang mga sari-saring inirereklamong isyu tungkol sa Bagsakan/Tricycle Terminal area na nabanggit sa nauna nang pulong.
Ang pulong ay ginanap noong February 3, 2025 sa Office of the Vice-Mayor.
Kabilang sa mga dumalo ang PNP, Liga ng mga Barangay, BPSO, Engineering, MPDC, business sector representative na si Renato Calantuan, Treasury Office, MTICAO, SEE, at si TODA Federation President Emilio Requilman.
Matapos ang pulong, ang mga miyembro ay naglakad patungong Tricycle Terminal/Bagsakan area upang inspeksyunin ang lugar upang makita ng personal ang anumang obstruction sa kalsada, pagsunod sa schedule ng mga vendor at tricycle driver lalo na sa rush hours (6-8 AM, 11 AM-1 PM, 4-7 PM), ang lagay ng palikuran, pagtatapon ng basura, at maging ang pagkawala ng bubong sa parte ng terminal at kakulangan ng ilaw.
Tinalakay rin kung ano ang gagawin sa mga 300 na tricycle driver na hindi pa nagrerenew ng kanilang prangkisa, at ang pagbubukas sa bandang likuran ng lumang Bayambang Central School bilang adisyunal na pansamantalang parking space.
Matapos ang inspeksyon ay isa-isang tinawagan ang mga concerned na tanggapan at ahensya upang agaran ding resolbahin ang mga inihaing reklamo. (RSO; photos: JMB/Zeejie Torres)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka