𝗕𝗮𝗵𝗮𝘆 𝗞𝘂𝗯𝗼, 𝗧𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗮 𝗻𝗮 𝗡𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗲𝗻𝗲𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗿𝘆𝗼

Tinanggap ng isa na namang benepisyaryo ang isang bahay kubo mula sa pondong ipinagkaloob ni Mr. Chavit Singson, salamat sa pakikipag-ugnayan ni Mayor Niña Jose-Quiambao bilang parte ng kanyang pabahay project.

Ang bahay kubo, na nagkakahalaga ng P45,000, ay inihatid ng LGU sa tahanan ni G. Richard Z. Borromeo noong  January 10, 2025, sa pagtutulungan ng Administrator’s Office, MSWDO, Engineering Office, at Pangdel Barangay Council sa ilalim ni Punong Barangay Renato C. Herrera.

Si Borromeo, 20 taong gulang, ay isang farm laborer at naninirahan sa Brgy. Pangdel at dati lamang nakikitira sa mga kaanak kasama ang kanyang partner at anak. (RSO; photos: JMB)