Ang Municipal Planning and Development Coordinator at Human Resource Management Office ng bayan ng Urbiztondo ay nagbenchmarking sa MPDC at HRMO ng Bayambang noong January 14, 2025.
Sila ay nagcourtesy call kay Mayor Niña Jose-Quiambao, sa pamamagitan ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad.
Matapos nito, sila ay nakinig sa MPDO at HRMO ng LGU-Bayambang ukol sa best practices ng LGU sa Strategic Performance Management System bilang paghahanda sa kanilang accreditation sa Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management (PRIME-HRM) ng Civil Service Commission.
Pinangunahan ni Arch. Bernard Cenon L. Tamondong, LGU-Urbiztondo OIC-MPDC, ang visiting team. (RSO; JMB, ZT)