Sa unang pagkakataon, nagsagawa ng isang seminar-workshop ukol sa Insects Pest at Disease Management ang National Crop Protection Center (NCPC) ng University of the Philippines Los Baรฑos (UPLB), katuwang ang Agriculture Office ng lokal na pamahalaan, sa Balon Bayambang Events Center noong February 17-18, 2025.
Tinalakay dito ang iba’t ibang aspeto ng pest and disease management, kabilang na ang pagkilala sa mga karaniwang peste at sakit na nakakaapekto sa mga pananim sa rehiyon, ang mga epektibong paraan ng pagkontrol, at ang tamang paggamit ng mga pesticides.
Naging aktibo sa mga talakayan at praktikal na demonstrasyon ang mga kalahok, na kinabibilangan ng mga magsasakang Bayambangueรฑo, kasama ang 77 na Punong Barangay, ilang empleyado ng E- Agro, at mga mag-aaral mula sa Bayambang Polytechnic College (BPC).
Malugod na ibinahagi ng UPLB-NCPC ang kanilang mga natuklasan sa kanilang mga panananaliksik ukol sa agricultural pest control and management.
“Sana maging specialized na kayo balang araw pagdating sa agrikultura,” pahayag ni Dr. Armando Angeles, Dean ng College of Agriculture and Food Science.
Ang ikalawang araw naman ay ginanap sa mga taniman sa Barangay Darawey at Manambong Parte, at sa Mangayao Dairy Farm upang mas maayos na maipaliwanag ang mga konsepto at teknikalidad ng pest and disease management sa kanilang mga sakahan at livestock farm.
Naging praktikal ang mga gawain sa araw na ito, na kinabilaangan ng mga demonstrasyon at pagsasanay sa mismong bukid para makapag-praktis sila ng mga natutunang teknik sa pag-iinspeksyon ng mga pananim, pagkilala ng mga sintomas ng mga sakit, at paglalapat ng mga organikong solusyon sa mga peste.
Laking pasasalamat ng mga magsasaka sa UPLB, NCPC, at LGU-Bayambang sa pagsasagawa ng seminar-workshop na ito na naging posible dahil sa pagtutok ng Municipal Agriculture Office sa pamamahala ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, at maayos na pakikipag-ugnayan sa UPLB, partikular na kay Chancellor Jose V. Camacho Jr., na tubong Bayambang.
Anila, malaking tulong ang mga natutunang kaalaman at kasanayan upang mas mahusay nilang maprotektahan ang mga pananim mula sa mga peste at sakit at mapaunlad ang kanilang mga sakahan at mapataas ang kanilang ani. (Adrian M. Torralba, VMF/RSO; John Chester Junio, JMB)