𝐓𝐎𝐃𝐀 𝐅𝐫𝐚𝐧𝐜𝐡𝐢𝐬𝐞 𝐑𝐞𝐧𝐞𝐰𝐚𝐥, 𝐋𝐏𝐓𝐑 𝐏𝐥𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟓-𝟐𝟎𝟐𝟗, 𝐀𝐭𝐛𝐩., 𝐓𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐅𝐨𝐥𝐥𝐨𝐰-𝐮𝐩 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐓𝐫𝐚𝐟𝐟𝐢𝐜 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥

Sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao, muling nagpulong ang mga miyembro ng Traffic Management Council upang mag-follow-up sa mga napag-usapang aksyon sa pinakahuling ginawang pagpupulong.

Kabilang sa pinag-usapan ang pagrenew ng TODA franchise o prangkisa mula sa Municipal Treasurer’s Office ng mga 30 drivers na hindi pa nagrerenew; mga iba’t-ibang isyu ukol sa Bagsakan at Tricycle Terminal; at ang pormulasyon ng Local Public Transport Route Plan 2025-2029 ng Municipal Planning and Development Office.

Kabilang naman sa mga nabanggit na isyu sa terminal/bagsakan ang mga sumusunod:

– istriktong enforcement ng schedule ng oras ng mga vendors, pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan, pagtanggal ng mga papag, at paghihiwalay ng mga produkto ayon sa kung ang mga ito ay agrikultural o non-agricultura, sa ilalim ng Office of the Special Economic Enterprise at sa tulong ng ESWMO at BFP;

– temporary parking sa lumang Bayambang Central School grounds sa tulong ng Bayambang Public Safety Office at Engineering Office;

– pagtulong ng mga CVO sa PNP at BPSO sa enforcement ng mga oras ng paglagay ng barrier/barricade;

– pagsasaayos ng mga signages at drainage system sa tulong ng Engineering Office; at

– mga ambulant vendors sa tabi ng simbahan. (RSO; Zeejie R. Torres/MPDO)

Pinangunahan ang pulong nina Councilor Amory Junio at Councilor Martin Terrado II noong February 10, 2025 sa Vice-Mayor’s Office.

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka