𝐏𝟑𝐌 𝐀𝐲𝐮𝐝𝐚 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐞𝐧. 𝐈𝐦𝐞𝐞, 𝐈𝐧𝐢𝐡𝐚𝐧𝐝𝐨𝐠 𝐬𝐚 𝟏,𝟎𝟎𝟎 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐠𝐮𝐞ñ𝐨𝐬

Bumisita noong Pebrero 20, 2025, si Senadora Imee Marcos sa Bayambang hatid ang ayudang nagkakahalaga ng P3,000,000.00 sa inisyatibo ng kanyang opisina sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD.

Ang senadora ay sinalubong ni Special Assistant to the Office of Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

May 1,000 benepisyaryo mula sa Listahanan ang nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng naturang programa ng DSWD, sa tulong ng MSWDO at gamit ang pondo mula sa tanggapan ni Sen. Imee Marcos.

Kada isang benepisyaryo ay nakatanggap ng P3,000 na cash. Ang mga ito ay dumaan sa nauna nang profiling at assessment activity ng DSWD.

Ginanap ang payout sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. (KB/Adrian Torralba/RSO; JMB)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka