Sa ikatlong linggo ng Enero, nagsagawa ang Sangguniang Bayan Committee on Market Trade and Industry ng isang pampublikong pagdinig upang talakayin ang mga dalawang panukalang ordinansa ng munisipyo:
– ang pansamantalang pagsuspinde sa pagpapataw ng mga surcharges at interes sa buwanang upa para sa mga stall sa Bayambang Public Market ayon sa nakasaad sa 2017 Bayambang Market Code mula Enero 1, 2025 hanggang Hunyo 30, 2025, at
– ang ordinansang nagwawaksi sa pagbabayad ng isang (1) buwang upa ng mga bahagyang nasirang stall o dalawang (2) buwan ng upa ng mga lubos na naapektuhan ng sunog na mga stall sa Bayambang Public Market (Block II).
Ang pagdinig ay ginanap noong January 22, 2025, sa Balon Bayambang Events Center sa pangunguna ni Committee Chairman on Market Trade and Industry, Councilor Jose Ramos, kasama sina Councilor Martin Terrado II, Councilor Benjie de Vera, at Councilor Gerardo Flores at sa pag-oorganisa ni SB Secretary Joel V. Camacho.
Inimbitahan ang ilang concerned department heads kabilang sina Municipal Legal Officer, Atty. Bayani Brilliante Jr., kasama sina Market Supervisor, Atty. Justine Alvarez, Municipal Accountant Flexner de Vera, Budget Officer Marie Christine Bautista, Municipal Treasurer Luisita Danan, at mga stallholder sa public market sa naturang pagdinig, at hiningi ang kanilang mga komento at opinyon sa mga naturang panukala.
Sa pamamagitan ng public hearing, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga mamamayan na masiguro na ang kanilang mga boses ay naririnig at ang kanilang mga interes ay isinasaalang-alang sa mga desisyon ng lokal na pamahalaan. (VMF/RSO; AG)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#Niรฑaarotaka