𝐌𝐠𝐚 𝐓𝐢𝐩𝐬 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐞𝐭𝐢𝐭𝐢𝐯𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐑𝐚𝐧𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐠, 𝐓𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐃𝐓𝐈 𝐬𝐚 𝐏𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠

Pinulong ang lahat ng mga LGU at agency heads ukol sa iba’t ibang istratehiya upang mapag-ibayo ng bayan ng Bayambang ang competitiveness ranking nito batay sa mga indicators ng Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI).

Ang pulong ay inorganisa ng MPDC sa Mayor’s Conference Room noong February 13, 2025, kung saan naging resource persons ang academe partner ng Regional Competitiveness Council ng Department of Trade and Industry Ilocos Region at local third party data validator na si Prof. Keneth G. Bayani ng Don Mariano Marcos Memorial State University.

Bukod sa mga LGU department at unit heads, kabilang sa mga dumalo sina Bayambang District I PSDS, Dr. Longino Ferrer; Bayambang District II PSDS, Dr. Candra Penoliar;  Bayambang Municipal Police Station OIC-Chief, PLtCol. Lawrence Keith Calub; BFP Bayambang Chief, FSInsp. Divina S. Cardona; at BayWad General Manager Francis J. Fernandez.

Ang aktibidad ay isang malaking tulong upang mapataas ang rangko ng bayan ng Bayambang sa naturang nationwide Competitiveness Index, na siyang malimit gamitin ng mga investors bilang kongkretong batayan ng business-friendliness at investment-readiness ng isang bayan. (RSO; JMB)