Isang pulong ang ipinatawag ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, ngayong araw, January 30, 2025, sa Sangguniang Bayan Session Hall, upang pag-usapan ang mga isyung kinakaharap ng sektor.
Kabilang na sa mga isyung tinalakay ang kawalan ng updated na prangkisa ng ilang mga nag-ooperate na driver; overcharging ng ilang drivers; at ang pangangailangan ng pagkakaroon ng mga bagong ruta sa Brgy. Langiran, Balaybuaya, Batangcaoa, at Asin.
Ipinaalala sa mga dumalong TODA Presidents, sa ilalim ni TODA Federation President Emilio Requilman,
na kinakailangan ang mahigpit na compliance upang maiwasan ang mga kolorum na traysikel o mga walang prangkisa at masiguro ang kaligtasan ng mga drayber, kanilang pasahero, at ang buong pamayanan.
Isa pang mainit na isyu na inungkat ay ang striktong pagpapatupad ng tamang istasyon ng mga tricycle driver base sa kanilang nakatalagang TODA. Mahigpit na ipinaalala sa TODA members sa bayan at maging sa lahat ng barangay na kumuha lamang ng pasahero sa kani-kanilang itinalagang lugar.
Kabilang sa mga dumalo upang magbigay ng kanilang payo at paalala ay sina Councilor Martin E. Terrado II, Councilor Amory M. Junio, OIC-MPDO Ma-lene S. Torio, Municipal Treasurer Luisita Danan, BPSO Chief, Ret. Col. Leonardo F. Solomon, at PNP-Bayambang OIC-Chief, PLtCol. Lawrence Keith D. Calub. (Clarence Apolonio, VMF/RSO; larawan: AG)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka