Nagsagawa ang LGU ng Public Consultation Meeting sa San Vicente Covered Court noong Enero 22, 2024 ukol sa nalalapit na konstruksyon ng Carlos P. Romulo Bridge o Wawa Bridge.
Pinangunahan ang konsultasyon nina Mayor Niña Jose-Quiambao, Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, Municipal Engineer Bernadette Mangande kasama ang mga kinatawan mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 1 na sina Engr. Kit Manaois, Engr. Janine Adovo, Engr. Darwin Tenorio, Engr. Billy Joe Moster, at Engr. John Michael Hidalgo, ang Legal Officer na si Atty. Harold Estacio, at ang ng contractor na M.G Lualhati Construction Corp. na si Engr. Henry Pe-Manuel.
Sa konsultasyon, ipinaliwanag ng DPWH ang plano ng konstruksyon, kabilang ang disenyo, timeline, at mga benepisyo ng proyekto.
Bilang bahagi ng paghahanda, sinisimulan na rin ng DPWH ang pagtatayo ng isang pansamantalang two-way bridge na magagamit ng mga motorista bilang detour habang isinasagawa ang konstruksyon ng Carlos P. Romulo Bridge. Gayunpaman, nilinaw na ang nasabing temporary bridge ay limitado lamang sa mga sasakyang may bigat na hindi hihigit sa limang tonelada.
Kabilang din sa mga tinalakay ay ang isyu ng mga affected lot owners, kaya’t dumalo ang mga may-ari ng lupa upang makipag-usap sa DPWH ukol sa kanilang kompensasyon.
Ayon sa ahensya, ang usapan ukol sa mga bayarin at benepisyo ay dadaan sa legal na proseso upang matiyak na patas at makatarungan ang magiging kasunduan.
Inaasahang magsisimula ang Phase 1 ng konstruksyon sa lalong madaling panahon kasabay ng pagsunod sa mga kinakailangang proseso at koordinasyon sa pagitan ng DPWH at LGU.
Sa pagtatapos ng programa, nanawagan si Councilor Gerry Flores ng pagkakaisa ng lahat sa pagsuporta sa konstruksyon ng bagong Wawa Bridge. (KALB/RSO; JMB)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka