𝐋𝐓𝐎, 𝐍𝐚𝐠𝐝𝐚𝐨𝐬 𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝟐-𝐝𝐚𝐲 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐮𝐫𝐬𝐞 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐇𝐢𝐠𝐢𝐭 𝟏𝟓𝟎 𝐊𝐚𝐭𝐚𝐨

Ang Land Transportation Office (LTO), sa pakikipag-ugnayan sa LGU-Bayambang, ay nagsagawa ng isang libreng 2-day Theoretical Driving Course sa mahigit 150 katao. Ito ay isinagawa noong February 1-2, 2025 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Naroon sa nasabing aktibidad sina LTO Regional Director, Glorioso Daniel Z. Martinez, LTO-Bayambang OIC Chief Ira Sarilan, LTO San Carlos Chief Aileen T. Peteros, at LTO Rosales Chief Mariano delos Santos, kasama si John Paul Domingo ng Bayambang Poverty Reduction Action Team bilang facilitator mula sa LGU-Bayambang.

Ang tipikal na driving lesson sa pribadong kumpanya ay nagkakahalaga ng libu-libong piso.

Ito ay parte ng proyektong “Lab for All” ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Louise Araneta-Marcos na naglalayong ihatid ng direkta sa taumbayan sa malalayong lalawigan ang mga serbisyong mula sa iba’t ibang national government agencies. (RSO; JPD)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka