Noong Biyernes, February 7, 2025, nagpunta ang Local Civil Registry sa Bani Elementary School upang magsagawa ng IEC ukol sa tamang pagrerehistro at updates sa Philippine Statistics Authority memorandum circulars.
Inimbitahan dito ang mga teachers, parents, at barangay officials upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa civil registration at maiwasan ang anumang pagkakamali sa mga Civil Registry records.
Naging speaker si Municipal Civil Registrar Ismael D. Malicdem, Jr. at sinagot niya ang mga concerns ng mga guro at magulang.
Nagbigay din ng mensahe at suporta sina Principal Ms. Judith J. Calaunan at PTA President Mr. Florendo S. Lavariaz sa aktibidad na ito.
Kasama rin dito ang Community Service Card team upang makapag-data capture at mag-asiste sa iba pang mga proseso ng Local Civil Registry. (LRC/RSO; LCR)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka