Dinala ni First Lady Louise Araneta-Marcos ang kaniyang programang โLAB for ALL: Libreng Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahatโ sa bayan ng Bayambang noong February 6, 2025.
Sa inisyatiba ng Office of the First Lady (OFL), inilapit ng ‘LAB for ALL’ caravan ang libreng serbisyong pangkalusugan sa mga Bayambangueรฑo at Pangasinense.
Mismong ang Unang Ginang at ang kaniyang anak na si Vincent โVinnyโ Marcos ang nanguna sa pamamahagi ng tulong sa ating mga kababayan.
Sa kaniyang inihayag na mensahe, binigyang-diin ng Unang Ginang ang pagpapahalaga ng administrasyong Marcos sa kalusugan at kabuhayan ng mga Pilipino.
Kasama sa caravan ang mga kawani at opisyal mula sa ibaโt ibang sangay ng gobyerno.
Naroon ang Chairman ng Commission on Higher Education, Chairman J. Prospero de Vera III; ang Chief ng Public Attorneyโs Office (PAO) na si Chief Persida Acosta; ang Congresswoman ng 3rd District ng Pangasinan na si Congresswoman Rachel Arenas; ang buong puwersa ng LGU Bayambang sa pangunguna ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao at SATOM na si Dr. Cezar T. Quiambao; Vice-Mayor Ian Camille Sabangan kasama si Board Member Raul Sabangan; at ang mga konsehal ng Sangguniang Bayan.
Ang ‘LAB for ALL’ caravan ay kolaborasyon ng ibaโt ibang ahensya ng gobyerno at mga pribadong kompanya at indibidwal.
Bukod sa mga libreng serbisyong pangkalusugan, handog din ng programa ang mga serbisyong pampubliko gaya ng business registration at mentorship, legal assistance, scholarship grants, housing allocation, at marami pang iba. (Gabriel Marie Reloza/RSO; Rob Cayabyab)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiรฑaAroTaka