𝐊𝐀𝐋𝐈𝐏𝐈, 𝐌𝐚𝐲 𝐔𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐢 𝐧𝐚 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐲𝐝𝐫𝐨𝐩𝐨𝐧𝐢𝐜𝐬 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭

Simula noong July 2024, ang Municipal Agriculture Office (MAO) ay nag-organisa ng isang training ukol sa hydroponics farming para sa mga miyembro ng Kalipunan ng Lahing Pilipina (KALIPI) – Bayambang chapter sa Brgy. Zone II.

Layunin ng pagsasanay na magbigay ng kaalaman at kakayahan sa grupo tungkol sa teknolohiyang ito ng pagtatanim na hindi gumagamit ng lupa.

Patuloy itong isinasagawa at itinuturo upang mabigyan ang grupo ng isang hydroponics project na popondohan sa ilalim ng GAD budget ng MAO.

Noong January 6, 2025, nagsimulang magbenta ng kanilang aning hyroponically grown lettuce ang mga KALIPI members sa LGU bilang paghingi ng suporta sa kanilang naumpisahang livelihood project. (GM/MAO/RSO; photos: MAO, AG)