๐ƒ๐š๐š๐ง-๐๐š๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฒ๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ ๐ฎ๐žรฑ๐จ, ๐๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐‹๐ข๐›๐ซ๐ž๐ง๐  ๐…๐ฅ๐ฎ ๐•๐š๐œ๐œ๐ข๐ง๐ž ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐‡๐Ž๐๐„ ๐…๐จ๐ฎ๐ง๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง

Nagbigay ng libreng bakuna laban sa flu ang pribadong grupo na HOPE Foundation, katuwang ang LGU Bayambang, para sa daan-daang Bayambangueรฑo noong ika-30 ng Enero 2025, sa Balon Bayambang Events Center.

Kabilang ang mga LGU employees sa mga nagpabakuna upang mapanatili ang kanilang kalusugan at maiwasan ang pagkakaroon ng trangkaso, lalo na sa panahon ng pabagu-bagong klima.

Ang HOPE Foundation, sa pamumuno ni Dr. Tina Alberto, ay naglaan ng 500 shots para sa bayan ng Bayambang.

Sa hiwalay na ulat, ang RHU I naman ay nakapagbakuna na ng libre sa may 304 na LGU employees nitong nakaraang buwan ng Disyembre at Enero.

Matatandaang ang flu vaccine ay nagkakahalaga ng mga P1,500 sa mga pribadong ospital. (Aaron Mangsat/Khim Ballesteros/RSO; JMB)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiรฑaAroTaka