Ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office I ay nag-courtesy call kay Mayor Niรฑa Jose-Quiambao upang talakayin ang nalalapit na konstruksyon ng Carlos P. Romulo Bridge o “Wawa Bridge” sa Brgy. Wawa.
Kasama nilang bumisita ang nanalong contractor na M.G. Lualhati Construction Corp., at sila ay winelcome nina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, at Municipal Engineer Bernadette Mangande sa Administrator’s Office.
Ibinalita ng DPWH ang gaganaping public consultation para rito sa bandang ikatlong linggo ng buwan. Pagkatapos nito anila ay sisimulan ang konstruksyon ng isang two-way temporary bridge upang hindi magambala ang aktibidad ng lahat ng bumabaybay sa tulay araw-araw, at ang istruktura ay inaasahang matatapos pagdating ng Marso.
Ang groundbreaking ceremony para sa konstruksyon ng 442-metrong Romulo Bridge ay nakatakda naman sa March 31, 2025, at ang proyekto ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang P300,000,000.00, dagdag pa ng DPWH.
Ang pinakahuling development na ito ay naging posible dahil sa puspusang pakikipag-ugnayan ni Mayor Niรฑa at ng Engineering Office sa DPWH at sa paghahanap ng pondo sa tulong ni Congresswoman Rachel ‘Baby’ Arenas. (RSO; photos: VGC/Admin)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#Niรฑaarotaka