๐‚๐’๐Ž ๐…๐ž๐๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž๐ซ๐ฌ ๐ง๐  ๐๐š๐ฒ๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ , ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ 

Tinipon ang mga miyembro ng Civil Society Organization (CSO) Federated Officers ng Bayambang sa isang pulong na naglalayong pagtibayin ang pagkakaisa ng mga NGO, CSO, at iba pang sektor sa patuloy na laban kontra kahirapan sa bayan ng Bayambang. 

Sa pangunguna ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, tinalakay sa pulong na ginanap noong  January 23, 2025, sa Mayor’s Conference Room ang mga mahahalagang agenda na tumutok sa pagpapalakas ng kolaborasyon sa pagitan ng mga organisasyon at ng lokal na pamahalaan.

Kasama sa mga napag-usapan ang pagsumite ng Accomplishment Report ng bawat CSO batay sa kanilang mga Action Plan, mga update kaugnay sa proseso ng CSO accreditation na itinakda pagkatapos ng halalan, at pagpapalakas ng partisipasyon ng mga CSO sa mga pagpupulong, at ibaโ€™t ibang inisyatibo ng LGU na naglalayong mas mapalapit ang serbisyo sa mga nangangailangan. 

Binigyang-diin sa pulong ang pangangailangan ng mas aktibong partisipasyon ng bawat miyembro ng komunidad upang maisulong ang mga makabuluhang programa at proyekto na tutugon sa mga hamon ng kahirapan, lalo na para sa mga marginalized sector. (KALB/RSO; JMB)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#Niรฑaarotaka