₱5,000 Fuel Subsidy para sa TODA Members, Ipinamahagi!

Nakatanggap ng tig-₱5,000 cash assistance o fuel subsidy ang mga lehitimong miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) sa Bayambang sa ilalim ng programa ng gobyerno sa pakikipagtulungan ng LGU sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ginanap ang payout nitong May 14, 2026 sa St. Vincent Ferrer Prayer Park Pavilion I, kung saan 1,629 TODA members sa bayan ang naging benepisyaryo ng nasabing programa.

Tanging mga lehitimong TODA members na may prangkisa ang kabilang sa mga nakatanggap ng subsidy, habang ang opisyal na listahan ng eligible beneficiaries ay nagmula sa DSWD.

Ang programa ay may layuning makatulong sa mga tricycle drivers na naaapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at iba pang gastusin dahil sa pandaigdigang krisis sa langis.

Para sa iba pang katanungan kaugnay ng programa, maaaring makipag-ugnayan kay MSWD Officer Kimberly Basco at kay TFD Deputy Officer, 1Lt. Amory Junio. (RGDS/RSO)