₱20/Kilo na Repolyo mula Benguet, Dinumog ng mga Mamimili

Ngayong araw, Mayo 28, 2026, matagumpay na isinagawa ng Munisipyo ang bentahan ng sariwa at murang repolyo mula sa mga magsasaka ng Benguet sa halagang ₱20.00 kada kilo sa harap ng Municipal Hall (Legislative Building), mula umaga hanggang hapon.

Umabot sa apat (4) na toneladang repolyo ang dinala ng Bosigan Multi-Purpose Cooperative ng Balili, Mankayan, Benguet bilang bahagi ng pagtugon sa matinding epekto ng krisis sa gasolina at El Niño na nakaapekto sa kabuhayan ng mga magsasaka. Sa pamamagitan nito, naibigay sa publiko ang abot-kayang gulay habang natulungan din ang mga lokal na magsasaka na maibenta ang kanilang ani.

Ang aktibidad ay malinaw na nagpapakita ng diwa ng bayanihan sa pagitan ng pamahalaan, mga magsasaka, at mamamayan tungo sa sama-samang pagtulong at pagbangon ng sektor ng agrikultura. (JLT/SMGC;JMB)