PANUNUMPA SA WATAWAT
Ako ay Pilipino
Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na pinakikilos ng sambayanang
Maka-Diyos, Makatao,
Makakalikasan at
Makabansa
PANUNUMPA NG KAWANI NG GOBYERNO
Ako'y kawani ng gobyerno, / tungkulin ko ang maglingkod / nang tapat at mahusay./
Dahil dito, / ako'y papasok nang maaga / at magtatrabaho ng lampas sa takdang oras / kung kinakailangan.
Magsisilbi ako nang magalang at mabilis / sa lahat ng nangangailangan./
Pangangalagaan ko ang mga gamit, / kasangkapan / at iba pang pag-aari ng pamahalaan./
Magiging pantay at makatarungan / ang pakikitungo ko sa mga lumalapit / sa aming tanggapan./
Magsasalita ako / laban sa katiwalian at pagsasamantala./
Hindi ko gagamitin / ang aking panunungkulan / sa sarili kong kapakanan./
Hindi ako hihingi o tatanggap ng suhol, / sisikapin kong madagdagan / ang aking talino at kakayahan / upang ang antas ng paglilingkod sa bayan / ay patuloy na maitaas./
Sapagkat ako'y isang kawani ng gobyerno / at tungkulin ko ang maglingkod / nang tapat at mahusay, / sa bayan ko at sa panahong ito, / ako at ang aking mga kapwa kawani / ay kailangan tungo sa isang maunlad, / masagana / at mapayapang Pilipinas./
Sa harap ninyong lahat / ako'y taos pusong nanunumpa. |