Kahapon, May 20, 2024, bumisita ang Mayor at Vice Mayor ng Moncada, Tarlac na sina Mayor Estelita Aquino at Vice Mayor Ramon Benito Aquino sa Bayambang Polytechnic College (BPC) upang alamin ang mga naging hakbang ng lokal na pamahalaan sa pangunguna nina former mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, at Mayor Niña Jose-Quiambao para maitatag ang naturang kolehiyo sa bayan.
Sila ay inilibot ni BPC President, Dr. Rafael L. Saygo, sa mga pasilidad ng BPC sa 3rd floor ng Royal Mall.
Ang mga naturang opisyal ay nagnanais umano na magpatayo rin ng sariling kolehiyo sa kanilang bayan. (ni Sharlene Joy. G. Gonzales/RSO; larawan: Ace Gloria)